"Was there any time in your life when all you did is to sit inside the Jeepney, stare in the nothingness that passing by in your eyes not knowing where to go to and don’t even know the people that you are smiling….
Even yourself."
Ganyan parati ang ginagawa ko pag may malalim akong iniisip. ..
Sumasakay ako ng jeep papuntang nowhere, tinatanaw ang bawat dinadaanan ng jeep
at tinititigan ang bawat mukha na sumasakay ng Jeep... Sa libong libong tao na nakikita ko
o nakakasama ko sa upuan ng jeep, rami tanong ang naglalaro sa isipan ko...
Tao ba sila? Ano kaya ang buhay nila? Ano kaya mga problema nila? Pano kung ako
naging sila at sila naging ako? Kagatin ko kaya ang katabi kong pogi sa labi habang
natutulog? Try ko kaya magwala?lols
Masama lang ang loob ko ngayun, dahil marami na akong happiness na isinacrifice ko
Gustuhin ko man ang isang bagay, minsan hanggang pangarap nalang ito dahil kung
gagawin ko o kukunin ko yun, may mga bagay akong dapat ibayad bilang kapalit.
At parati ko nalang sarili ang kapalit sa lahat ng bagay na yun.
Bahagi ako ng libong-libong tao kasama ko sa pag upo sa loob ng jeep. Ang bawat isa sa
kanila ay ako, at meron ding parte ng sarili ko ang makikita sa kanila.
Sa bawat mukha na nakikita ko, sa bawat stranger na nabigyan ko ng ngiti, at sa lahat lahat
ng indi bumabayad sa jeep, dahil sa inyo naisip ko, ang buhay ay parang jeep lang. .
.May tao mang bababa at tuluyan nang mawawala sa upuan, meron pa ding taong sasakay
ulit para maging kakwentuhan. Kung saan man tutungo ang jeep na to, sana naman
mahanap ko na ang kaligayahan sa sarili ko pag bumaba na ako sa dapat kung babaan.
Mama, sa tabi nalang po.
2 comments:
Nice blog. :)
thank joe! kakaupdate ko lang ulit. tagal nakatiwang wang tong blog ko. haha :p
Post a Comment