BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

January 07, 2009

Heto naaaa!

Tatanggalin ko ang question number 1 kasi hindi ko siya type. panget! hahah


2.) What color do you like most?

~pinakagusto ko ay Yellow tas pumapangalawa ang Orange obvious ba? haha!~

3.) If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?

~ yung beloved one, pwede naman yung mom ko diba? Ahehe..

“ma, thanks for everything.. as in yung lahat-lahat.. Kahit na hiwalay na kayo ni Papa, hindi nyo pa rin kinakalimutan yung obligasyon nyo samin.. Salamat tlaga.. Swerte ko, kayo Mom ko.. I love you! Mwah! :D”

Lagi namang may chance eh, lagi ko din namang sinasabi yun sa Mom ko.. Basta 2nd kay god, sya ang pinakamahal ko!


4.) Where is the place that you want to go the most?

~Hulaan! Hulaan! Aba naman, syempre SOUTH KOREA! Ahehehe.. Hindi pa ba obvious eh no? Bakit South Korea? Kakaiba kasi yung culture nila eh tsaka ang gwapo ng mga koreans dun! harot! hahah Pumapangalawa na dyan yung Egypt, kase gusto ko makita yung Pyramids of Giza… Pangatlo, is sa Greece.. sa may Aegean Sea!

5.) Which part of you that you hate the most?

~Puso.. hindi ko na yata kelangan pang i-explain? ~

6.) When you encounter a sad moment, what do you do?

~syempre unang-una, makinig sa mga favorite songs ko, pangalawa, makipag-usap sa bestfriend ko, at pangatlo, makipagkulitan kay Seiko!

7.) What are you afraid to lose the most?

~Naku ayokong mangyari yung iwan ako ng Mom ko .. Kase unang-una gusto ko makita nya kong gumraduate ako at syempre gusto ko rin suklian yung mga sacrifices nya para samin ng sister ko. gusto ko rin makita mom ko na nalulunod sa pera dahil sakin! haha! sosyal eh!

8.) If you win $1 million, what would you do? Pag nakatisod ka ng malaking kayamanan anong gagawin mo?


~Aba dolyares?? itatago ko muna sa bank, tas pag nakagraduate na ko at kaya ko nang humawak ng money, magtatayo ako ng sarili kong travel agency sa South Korea at ‘Pinas! Ahehehe.. yung iba iba pa non, ipagtatayo ko ng simbahan! Kung sa San Sebastian Church, made of steel, ang akin naman, made of Gold! O, ha? Tas yung iba kong pera,ibibigay ko sa charity…

9.) If you meet someone that you love, would you confess to him/her?

~Waahh.. siguro, tas di na ko magpapakita sa sobrang hiya. aheheh


10.) What are the requirements that you wish from your other half?

~Mas okay kung yung guy na sobrang close sa mom nya pero wag naman ber mommas boy no!

11.) Till now, what is the moment that you regret the most?

~Siguro yung pagpatol ko kay Larry na hindi naman talaga tama.. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pag naiisip ko.. Pero ganun talaga.. At least may lesson akong natuutnan don

12.) Which type of person do you hate the most?


~Traydor! Tsaka yung sobrang plastik.. yung tipong ang ganda ganda ng mga sinasabi sa harap mo, pero pagtalikod naman sinusuka ka na pala.. Mas okay pang murahin mo na lang ako sa harap ko kesa yung tirahin mo ko patalikod! Oreo!!!

13.) What is your ambition?

~Maging successful sa chosen carreer ko tapos masuklian yung mga sacrifices sakin ng Mom ko.. At magkaroon ng gwapong jowa someday..syempre matagal pa yon! at magpapangudngod ako ng cellphone sa mga umapi sakin!!

14.) What is the thing that will make you think he is bad?

~ Siguro yung saktan ako physically and emotionally.. hirap ng ganun.. matagal mawala kasi yun eh..Tsaka yung hindi maganda yung trato nya sa family nya.. Kasi kung ganun na nga ang trato nya sa family nya, what more pa kaya sakin pag kami yung nagkatuluyan ayytt??

15.) What is it that people doesn’t know about you?

~mahilig ako manood ng plays.. tapos kapag nasa shower ako, minsan ginagaya ko yung pag arte ng ibang actors.. ahehehe…Isa pa! kumakanta ako sa harap ng salamin nang may kasama pang arte! syempre ako lang magisa no!


16.)What is your motto in life?

~Suffer silently, smile always.. Oh db? bigtime! Ganon ako, kahit madaming problems, nakakangiti pa rin ako.. Pero kapag di ko na kaya, pumupunta talaga ako sa pinakamalapit na restroom at doon iiyak.. At pagkalabas ko.. Voila! Parang lang nangyari!

17.) Name one of your body part your bf adores.

~ex boyfriend ko ang sabi, pwet ko daw hahah! pero sabi ng mom ko and friends ko, yung eyes ko daw.. sabi naman ng bestfriend ko, height ko daw.. ahehe kasi mas matangkad ako sa kanya.. at sabi naman ni ________, yung smile ko daw.. hhmm..






0 comments: