There's so many good things happened to me this 2009 year (and bad things na rin) and its really a change of heart. no! im not talking about being straight again which i doubt. heart of a warrior daw. palaban na raw haha basta it's really a life changing thru emotional, social, physical na rin and being so close to god
I miss the blogging fever. my life is very incomplete pag hindi ka nakakapagblog. you cant blame me kase since i came out of the closet few years ago 2006 this is my one and only diary. I express my feelings, thoughts, school life, fab happenings and love season here kaya super love ko talaga to.
the Mikee we have right now is nothing without mikey-laveaux.blogspot. I owe everything to her and yes! girl ang blog ko. =)
babalik kang muli ang drama ko ngayon.
December 22, 2009
2010 on track
Posted by Miguel at 22.12.09 1 comments
April 12, 2009
Tama ako
Hindi dahilan ng pagiging “BROKEN” para gaguhin ang buhayeh ano kung iniwan ka nya???
diba diba tama naman ako
Posted by Miguel at 12.4.09 1 comments
March 23, 2009
Tamad
alam mo ba yung feeling na para kang tinatamad? sa anung mga bagay?! ako sa LAHAT ng aspeto...hay i feel so lazy... will this feeling change come April 12? i'm again deciding something big for myself..its a matter of DREAM vs PRACTICALITY (is there such a word?)
confused and scared and being such... i feel so LAZY! hay please help me pray for this.may the creator shed me some light
Posted by Miguel at 23.3.09 0 comments
March 19, 2009
Summer na
EBER!
Suzi!
Cherwomen!
Kagawad!
WATEVER!
Amor!
Jamur!
May Ganon!
Putaragis! Ang damot mo!
Whooo! George!
Badtrip!
Badshot!
Brader!
Tabaq tayo!
Ocla!
Naneng!
Isphed!
Tara na!
Sweet and Spicy!
Patext nga!
P****gina!
Lights!
Pakopya!
Please! Pretty pretty please!
Tunay!
Weeh!
Moki!
Baba!
Papi!
boy! (e.g. boy charge, boy iwas)
Ulul!
Nasusuka ako!
CR lang kami!
hah!
If you love somebody, give your body!
Good morning meiam!
wag kang tanga!
Papampam!
Hintayin mo ako!
Yellow pad na!
Library tayo!
wag mo akong kausapin!
Ayun, ilan lang yan sa mga pinagsasabi namin pag nagkikita kita kami sa loob at labas ng university. Yang mga sinabi ko ay madalas na mabanggit namin. Syempre habang tumatagal, dadami pa yan at mismong ako ang magsasabi sa inyo kung may bago kaming pausong sasabihin. haha! mwah!!
Ganyan lang talaga magmahal ang isang grupo
Summer time na
Posted by Miguel at 19.3.09 0 comments
January 28, 2009
Is there Something?
Naiyak nanaman ako. first time ito...congratulations itlog,
nakakaramdam kana pla ule. sumama lang din siguro loob ko kasi wala naman akong ginagawang masama and yet parang mali paden yung ginawa ko. nakakafrustrate lang din talaga yung kahit anong pilit kong intindihin yung mga stuff e talagang hindi pa kayang tumodo ng comprehension ko.. ayun, bumigay nalang din sguro. .
minsan di ko na nga alam pano ko ilalabas ,kasi diba sabe nila wag daw iipunen..kasi masama. e i dunno for some reason im uber scared na nakaramdam, na makasakit, na masaktan..kaya sige ako na lng, sarilinen ko nalang dba?.madalas pinipilit kong kumalma, tahimik nalang...pero apparently thats not a good idea.
hindi ko na talaga alam gagawen ko..hindi ko na din alam pano aayusen to.
ganun ba dapat yun mundo? kung pede naman maging masaya bakit pag dating ng gabe hindi na? bakit araw2x nalang nagkakamali?.ganun na bako ka
gaga para hindi matuto?ganun katanga para di makaintinde?
ayoko na matakot sayo mundo, feeling ko ginagago moko lalo.
sige lang kaya pa. hanggang kaya ko lalabanan kita.
Posted by Miguel at 28.1.09 2 comments
January 13, 2009
Dyip
"Was there any time in your life when all you did is to sit inside the Jeepney, stare in the nothingness that passing by in your eyes not knowing where to go to and don’t even know the people that you are smiling….
Even yourself."
Ganyan parati ang ginagawa ko pag may malalim akong iniisip. ..
Sumasakay ako ng jeep papuntang nowhere, tinatanaw ang bawat dinadaanan ng jeep
at tinititigan ang bawat mukha na sumasakay ng Jeep... Sa libong libong tao na nakikita ko
o nakakasama ko sa upuan ng jeep, rami tanong ang naglalaro sa isipan ko...
Tao ba sila? Ano kaya ang buhay nila? Ano kaya mga problema nila? Pano kung ako
naging sila at sila naging ako? Kagatin ko kaya ang katabi kong pogi sa labi habang
natutulog? Try ko kaya magwala?lols
Masama lang ang loob ko ngayun, dahil marami na akong happiness na isinacrifice ko
Gustuhin ko man ang isang bagay, minsan hanggang pangarap nalang ito dahil kung
gagawin ko o kukunin ko yun, may mga bagay akong dapat ibayad bilang kapalit.
At parati ko nalang sarili ang kapalit sa lahat ng bagay na yun.
Bahagi ako ng libong-libong tao kasama ko sa pag upo sa loob ng jeep. Ang bawat isa sa
kanila ay ako, at meron ding parte ng sarili ko ang makikita sa kanila.
Sa bawat mukha na nakikita ko, sa bawat stranger na nabigyan ko ng ngiti, at sa lahat lahat
ng indi bumabayad sa jeep, dahil sa inyo naisip ko, ang buhay ay parang jeep lang. .
.May tao mang bababa at tuluyan nang mawawala sa upuan, meron pa ding taong sasakay
ulit para maging kakwentuhan. Kung saan man tutungo ang jeep na to, sana naman
mahanap ko na ang kaligayahan sa sarili ko pag bumaba na ako sa dapat kung babaan.
Mama, sa tabi nalang po.
Posted by Miguel at 13.1.09 2 comments
January 07, 2009
Scary talaga
So ayun may kukwento ako!! kasi I had this scary encounter with
a stranger last night. Galing ako sa grocery, dala ko yung mga pinamili ko
tsaka bag ko with my digicam, cellphone and some cash.
I was planning to take a cab papuntang bahay super layo kasi eh
at super bigat mga dala ko.. haller! ayaw ko nga mag dyip! so cheap! haha
eh ayun nag decide mna ako bumili ng mineral water muna sa 711
and then this old man approached me no, he was looking for imported hotdogs daw
he’s a foreigner ha! Chinika-chika ako ng Lolo, asking for my whereabouts etc.
He asked for my name, ang sabi ko you can call me
Edward…Edward Cullen LOL. Nakipag shake hands pa ang mokong. super tingin
mga tao sa 7 11 kakahiya!
so cheap!! baka isipin nila!! boyfriend ako nito!! yuck talaga!! edi ayun! tanong
niya San daw ako nakatira, tapos he asking if i’m single or what, syempre
pinangalandakan kong I’m married kuno *ASA! naman!, tapos tanong niya
kung uuwi daw ba ako sa bahay! I swear talagang nangatog na ako sa nerbyos,
he was even trying to help me carry my other bag no!! hindi naman akong mkhang
disable naman diba? so ayun Syempre nag English rin ako ,
sabi ko…No thanks, I can carry . haha! ayun mega dali akong
lumabas ng 711, ang hinde ko inaasahan eh hahabulin pala ako ng lolo nyoooo wow ah!
haba ng hair ko! lakas ng tama sakin ng hukluban na to
“Edward.. Edward…wait..”
Oh no!!! Anong balak nito?? Shucks!!! Hinablot yung bag ko!!!!!!!!!!
Kasama ang cellphone, digicam at cash. Huhuhu!
Charing lang!!
Pero yun ang iniisip kong next scenario eh! well Buti na lang may
napara agad akong taxi. Deadma na. ang ending, nakauwi naman ako ng matiwasay pero
sobrang takot ko.Diyos ko, ipag-adya mo po ako sa lahat ng masama.
Patnubayan nawa ako ng iyong mga anghel sa langit.
Pero seryoso nga, natakot talaga ako. huhuhu
Posted by Miguel at 7.1.09 0 comments
Heto naaaa!
Tatanggalin ko ang question number 1 kasi hindi ko siya type. panget! hahah
2.) What color do you like most?
~pinakagusto ko ay Yellow tas pumapangalawa ang Orange obvious ba? haha!~
3.) If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?
~ yung beloved one, pwede naman yung mom ko diba? Ahehe..
“ma, thanks for everything.. as in yung lahat-lahat.. Kahit na hiwalay na kayo ni Papa, hindi nyo pa rin kinakalimutan yung obligasyon nyo samin.. Salamat tlaga.. Swerte ko, kayo Mom ko.. I love you! Mwah! :D”
Lagi namang may chance eh, lagi ko din namang sinasabi yun sa Mom ko.. Basta 2nd kay god, sya ang pinakamahal ko!
4.) Where is the place that you want to go the most?
~Hulaan! Hulaan! Aba naman, syempre SOUTH KOREA! Ahehehe.. Hindi pa ba obvious eh no? Bakit South Korea? Kakaiba kasi yung culture nila eh tsaka ang gwapo ng mga koreans dun! harot! hahah Pumapangalawa na dyan yung Egypt, kase gusto ko makita yung Pyramids of Giza… Pangatlo, is sa Greece.. sa may Aegean Sea!
5.) Which part of you that you hate the most?
~Puso.. hindi ko na yata kelangan pang i-explain? ~
6.) When you encounter a sad moment, what do you do?
~syempre unang-una, makinig sa mga favorite songs ko, pangalawa, makipag-usap sa bestfriend ko, at pangatlo, makipagkulitan kay Seiko!
7.) What are you afraid to lose the most?
~Naku ayokong mangyari yung iwan ako ng Mom ko .. Kase unang-una gusto ko makita nya kong gumraduate ako at syempre gusto ko rin suklian yung mga sacrifices nya para samin ng sister ko. gusto ko rin makita mom ko na nalulunod sa pera dahil sakin! haha! sosyal eh!
8.) If you win $1 million, what would you do? Pag nakatisod ka ng malaking kayamanan anong gagawin mo?
~Aba dolyares?? itatago ko muna sa bank, tas pag nakagraduate na ko at kaya ko nang humawak ng money, magtatayo ako ng sarili kong travel agency sa South Korea at ‘Pinas! Ahehehe.. yung iba iba pa non, ipagtatayo ko ng simbahan! Kung sa San Sebastian Church, made of steel, ang akin naman, made of Gold! O, ha? Tas yung iba kong pera,ibibigay ko sa charity…
9.) If you meet someone that you love, would you confess to him/her?
~Waahh.. siguro, tas di na ko magpapakita sa sobrang hiya. aheheh
10.) What are the requirements that you wish from your other half?
~Mas okay kung yung guy na sobrang close sa mom nya pero wag naman ber mommas boy no!
11.) Till now, what is the moment that you regret the most?
~Siguro yung pagpatol ko kay Larry na hindi naman talaga tama.. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pag naiisip ko.. Pero ganun talaga.. At least may lesson akong natuutnan don
12.) Which type of person do you hate the most?
~Traydor! Tsaka yung sobrang plastik.. yung tipong ang ganda ganda ng mga sinasabi sa harap mo, pero pagtalikod naman sinusuka ka na pala.. Mas okay pang murahin mo na lang ako sa harap ko kesa yung tirahin mo ko patalikod! Oreo!!!
13.) What is your ambition?
~Maging successful sa chosen carreer ko tapos masuklian yung mga sacrifices sakin ng Mom ko.. At magkaroon ng gwapong jowa someday..syempre matagal pa yon! at magpapangudngod ako ng cellphone sa mga umapi sakin!!
14.) What is the thing that will make you think he is bad?
~ Siguro yung saktan ako physically and emotionally.. hirap ng ganun.. matagal mawala kasi yun eh..Tsaka yung hindi maganda yung trato nya sa family nya.. Kasi kung ganun na nga ang trato nya sa family nya, what more pa kaya sakin pag kami yung nagkatuluyan ayytt??
15.) What is it that people doesn’t know about you?
~mahilig ako manood ng plays.. tapos kapag nasa shower ako, minsan ginagaya ko yung pag arte ng ibang actors.. ahehehe…Isa pa! kumakanta ako sa harap ng salamin nang may kasama pang arte! syempre ako lang magisa no!
16.)What is your motto in life?
~Suffer silently, smile always.. Oh db? bigtime! Ganon ako, kahit madaming problems, nakakangiti pa rin ako.. Pero kapag di ko na kaya, pumupunta talaga ako sa pinakamalapit na restroom at doon iiyak.. At pagkalabas ko.. Voila! Parang lang nangyari!
17.) Name one of your body part your bf adores.
~ex boyfriend ko ang sabi, pwet ko daw hahah! pero sabi ng mom ko and friends ko, yung eyes ko daw.. sabi naman ng bestfriend ko, height ko daw.. ahehe kasi mas matangkad ako sa kanya.. at sabi naman ni ________, yung smile ko daw.. hhmm..
Posted by Miguel at 7.1.09 0 comments