BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

June 18, 2010

Diamonds are Forever




















Proud to say Im a fan of Pinoy movies (Ms. Maricel Soriano fan for life). The older the movie, the better. yung mga tipong hindi mo alam kung saan hinuhugot yung mga linya ng mga artista. Kahit alam mong hindi na bagay sa eksena at medyo exaggerated na at maypag ka OA na pero nakakaaaliw pa rin

Kaya here are my top 20 favorite classic pinoy movie lines..

1.Richard: Pahingi ng tubig
(Lorna gives a half filled water and said)
Lorna: "Kalahati lang ang kaya kong ibigay, yung kulang ikaw na magpuno"

-ampotah.nakakatawa..pati tubig nagawan ng drama!

2.Eddie Garcia: Marami ka pang bigas na kakainin.

FPJ: Hindi ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin, bago ko kakainin. Ikaw Major, palay pa lang, kinakain mo na.

Eddie Garcia: Shit!
FPJ: Shit ka rin!

-kala ko lately lang nauso ang shit!haha


3. 'Mayroon akong lupa...tinatamnan...inaararo...'
--Rosanna Roces, 'Ligaya ang Itawag Mo sa Akin'

-ibang lupa yun Osang!


4. “Pwede bang makausap ang asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan?”
-Laurice Guillen, “Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi”

-Ang swerte naman ng lalaking ito.. Asawahin ba naman ang buong bayan


5. “Gutay-gutay na ang katawan n’yo! Pati ang kaluluwa n’yo, gutay-gutay na rin ”
-Sharon Cuneta, “Pasan Ko Ang Daigdig”

-lakas ng loob ni Ate Shawi na magsabing gutay-gutay ang katawan, parang ang ganda ng katawan nya


6. “Gaano kadalas ang minsan? Once, twice, three times more?”
-Hilda Koronel, “Gaano Kadalas Ang Minsan?”

-May point si Hilda.. teka, gaano nga ba kadalas?


7.“My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!”
-Nora Aunor, “Minsa’y Isang Gamugamo”


-the classic. bakit gamu-gamo ang title? Dapat baboy damo.


8. “Kung hindi mo ako kayang mahalin tulad ng isang tunay na asawa, e di mahalin mo ako bilang isang kaibigan. Kung ayaw mo pa rin no’n, bigyan mo na lang ako ng respeto bilang isang tao.”
Vilma Santos, “Relasyon”

-nosebleed ..


9. Alice: “Ate, mamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.”
Lorna: “Ipalilibing kita!”
Alice: “Ate please.”
Lorna: “Nu’ng inagaw mo sa akin si Alex, muntik na rin akong mamatay. Ngayon naagaw ko na siya sa ‘yo, ikaw naman ang mamatay!”
-Alice Dixson and Lorna Tolentino, “Nagbabagang Luha”

-title pa lang nakakakilabot na.haha


10. “Wala akong pakialam. Ibalik mo sa akin si Junjun! Ibalik mo sa akin si Junjun!”
-Vilma Santos, “Paano Ba Ang Mangarap?”

- swak na swak! nanay kung nanay ang role! purfect


11. Sharon: “Ang hirap sa ‘yo, Delfin, maaga kang pinanganak.”
FPJ: “Ang hirap sa ‘yo, Georgia, huli ka nang ipinanganak.”
-Sharon & FPJ, “Kahit Konting Pagtingin”

-Don’t they know that age doesn’t matter?


13. "sana sa bawat alak na iniinom mo, habang hinihithit mu ang sigarilyo mo, habang nilulustay mu ang perang pinaghirapan ko, sana maisip mo kung ilang pagkain ang tiniis kong di kainin, ilang lugar ang tiniis kong di puntahan para lng makapagpadala ko ng malaki. sana maicp mu din kung ilang buwan kong tiniis matulog magisa ang ginusto ko lng ay mayakap kayo, sana maicp mu kung gaano kasakit na inaalagan ko yung mga batang ni hindi ko kaano ano, samantalang kayong sarile kong mga anak, ni hindi ko maalagaan, alam mu b kung gano kasakit yun?"
--Vilma santos, Anak

-nang mag-abroad na si Ate Vi.. Sino ba nagsabing huwag syang kumain????


13. “Hayop… Hayuuup… Hayuuupppp!”
-Nora Aunor, “Ina Ka Ng Anak Mo”

-Sana instead of another hayop, animal na lang sinabi nya. Para mas cute. ANIMAL.. ANIMAL.. ANIMAL. ANIMAL with her magic finger pa haha


14. “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”
-Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig”

-Si Ate Vi na naman!! Ngayon nasa karendirya na ang usapan..


15. Putang-ina! (Slaps doctor) Diyos ka ba?Diyos ka ba para diktahan ang
buhay ko? Ayoko nito! Ayoko nito!
-Vilma Santos, Dolzura Cortez Story:

-Pasaway na pasyente! Hayaang matodas!


16. "pagmasdan mo ang mukhang ito! basahin mo sa mukhang ito ang di mabilang na
kasalanan ninyo at nang inyong ama sa akin at sa aking ina!"
--- Hilda Koronel in Kung Mahawi Man Ang Ulap

- Umeksena na si Hilda.. Nosebleed din..


17. "narinig ko sa party sinabi ng mga friends mo kawawa naman si bujoy,
hindi kasingganda ng mga kapatid niya, hindi kasing sophisticated. tapos narinig ko sabi mo ewan ko nga ba sabatang yan kung saan nagmana. you made me feel ugly ma..."
--- Jolina Magdangal in Labs Kita Ok Ka Lang

-Jolina. Makinig ka. Gina-GAGA mo kase sarili mo. yan tuloy


18. "ang hirap sa iyo hindi mo na makuha ng tama ang order hindi mo na maluto
ng tama ang sisig hindi ka pa magkaanak!"
--- Diether Ocampo in Gimik The Reunion

- Anong connect????


19."ligaya... ligaya ang itawag mo sa akin... yan ang trabaho ko, nagbibigay
ng aliw..."
--- Rosanna Roces in Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin

-the best ka talaga Osang..Ligaya is dabest pokpok in town..


20. "galit ako sa mga lalake dahil wala na silang ibang ginawa kungdi iwan ang
pamilya ko! galit ako sa sarili ko dahil putangina! ikaw ang kauna unahang lalaking minahal ko!"
---Regine Velasquez in Dahil May Isang Ikaw

-oh tapos??




(Diamond Scene with Maricel Soriano and Zsa Zsa Padilla, Minsan Lang Kita Iibigin)

maricel soriano: May Relasyon ba kayo ng asawa ko?
zsa zsa - Relasyon?
maricel - Relasyon! Quiiireeeda?!...Kabit?! Number 2!?! Mistress..Relasyon!
zsazsa - Terry!
maricel soriano: Wag mo akong ma-Terry, Terry!!!.Sagutin mo ang tanong ko.Are you FACKING my husband!
zsazsa- MINSAN!!!

--oh ano say niyo sa "ARE YOU FACKKKIINGGG MY HUSSSBAAANNND!!" lol

0 comments: